Nagsisilid ako ng silahis sa sulok ng aking puso sa tuwing tag-araw.
Kung kailan mainam mag-ipon ng
Pira-pirasong sinag at reta-retasong init.
Sa tuwing tag-araw,
Kung kailan ang araw ay abala ---
… sa pagbibilad ng tinilad na isda
… sa pagtitig sa nakabilad na hita
… sa pagtatahip ng palay sa ipa
… sa pagsalat sa kumakapak na lupa.
Bubuksan ko ang aking sisidlang may takip.
Sapagkat ngayon, makulimlim ang aking langit.
No comments:
Post a Comment