Sa pag-ibig ang lahat daw, pantay-pantay.
Ngunit ngayon, ang puso ko’y ginugutay
Nitong sadya mong pag-iwas. Kaya’t lumbay
Ang sa aki’y lumukukob. Heto’t taglay
Sa’king puso itong lasong panigbuho.
Pagkat ako’y mayroon ngang napagtanto.
Kay Ibarra, ang mundo mo’y humihinto
At nabatid, ang loob mo, sa aki’y layo.
Aking giliw, ano itong dinaranas?
Hapdi’t kirot, ikaw lamang ang panlunas.
Ang tinig na kasintamis nitong ubas
Lalagukin, ng sa pait, makatakas
At malimot na laban ko’y di lalawig,
Pagkat ika’y umiiwas sa’king titig.
Di nga patas ang labanan ng pag-ibig,
Pagkat laging magtutulak, magkakabig.
Monday, May 16, 2011
Tuesday, May 3, 2011
Siklo
Magpapasko noon.
May uwi si Tatay na isang malaking kahon.
Nakabalot sa makintab na papel,
May nakadikit na pulang laso.
Naisip ko noon, mabigat marahil
Ang dalang kahon ni Tatay,
Sapagkat mabagal at hinihila
Ang kanyang mga hakbang.
Buong ingat niyang ipinatong ang kahon
Sa aming mesa at tinungo ang lugar ng Nanay.
Hudyat iyon sa amin ni bunso para buksan ang kahon.
Nanlaki ang aming mga mata
Sa naroong mga bara ng tsokolate,
Mga balot ng tsitsirya, bloke ng keso,
Malaking piraso ng hamon at lata ng fruit cocktail.
Binalatan ko ang isang bara ng tsokolate.
Binuksan naman ni bunso ang isang balot ng tsitsirya.
Sa pagitan ng aming pagnguya,
Narinig kong sinabi ni Nanay:
“Magpapasko pa naman.”
“Paano tayo sa bagong taon?”
“Bakit ka pa kasi sumali sa unyon?”
Ngayon ko naiintindihan,
Kung bakit matapos ang aking narinig,
Pumakla ang lasa ng tsokolate.
Tumabang ang lasa ng tsitsirya.
Ngayon, na sa piket ako magpapasko.
May uwi si Tatay na isang malaking kahon.
Nakabalot sa makintab na papel,
May nakadikit na pulang laso.
Naisip ko noon, mabigat marahil
Ang dalang kahon ni Tatay,
Sapagkat mabagal at hinihila
Ang kanyang mga hakbang.
Buong ingat niyang ipinatong ang kahon
Sa aming mesa at tinungo ang lugar ng Nanay.
Hudyat iyon sa amin ni bunso para buksan ang kahon.
Nanlaki ang aming mga mata
Sa naroong mga bara ng tsokolate,
Mga balot ng tsitsirya, bloke ng keso,
Malaking piraso ng hamon at lata ng fruit cocktail.
Binalatan ko ang isang bara ng tsokolate.
Binuksan naman ni bunso ang isang balot ng tsitsirya.
Sa pagitan ng aming pagnguya,
Narinig kong sinabi ni Nanay:
“Magpapasko pa naman.”
“Paano tayo sa bagong taon?”
“Bakit ka pa kasi sumali sa unyon?”
Ngayon ko naiintindihan,
Kung bakit matapos ang aking narinig,
Pumakla ang lasa ng tsokolate.
Tumabang ang lasa ng tsitsirya.
Ngayon, na sa piket ako magpapasko.
Saturday, April 30, 2011
Lágas
Umiiyak ang mga dahon
Sa sandaling humulagpos na sila
Sa pagkakayakap sa mga sanga.
Ang mga hikbi’y mahinang-mahina.
At bago pa ito umabot sa ating pandinig,
Niyakap na sila ng basang bisig ng lupa.
Doon na lamang nila itutuloy ang pananangis.
Collaborative work #2: Ang tulang Dahon ni James Tana at Parke ni Rae Rival ang mga inspirasyon ko para maisulat ito.
Tuesday, April 12, 2011
Kape
Walang halo. Black
Walang komplikasiyon
Di mo katulad.
~ Jose Franco
Itim ng mata ang puswelo ng kape.
Nakapatong sa puting platito.
Matang itim na itim.
Dilat na dilat.
Nandidilat.
Umuusok sa pandidilat.
Hinamon ako ng mata.
Subukan ko raw damhin ang kanyang init.
Humigop ako.
O, ako ang kanyang hinigop?
Huli na nang malaman ko ang kasagutan.
Naikintal na sa labi ko ang silakbong nakapapaso.
Tuesday, March 22, 2011
Pananahimik
Hinimok ako ng
Kamiseta
Pantalon
Bestida
Panyo at
Medyas na samahan sila sa kanilang
Pananahimik.
Hindi sila palaging ganito.
Dumaan sila sa iba't ibang ingay at pagsubok:
Tiniis ng kamiseta ang pambubuyo ng
Alikabok at pawis.
Narinig ng pantalon ang
Tuya ng talsik-putik.
Tinanggap ng bestida ang
Palatak ng tumapon na sarsa.
Sinipsip ng panyo ang
Hinaing ng hatsing.
Nilusong ng medyas ang
Himutok ng tubig-baha.
Matapos ang lahat ng ito,
Tinanggap naman ng
Kamiseta
Pantalon
Bestida
Panyo at
Medyas ang
Pang-uusig ng bula ng sabon,
Talak ng lagaslas ng tubig at
Sumbat ng sikat ng araw.
Nagpasya akong samahan sila sa kanilang
Pananahimik.
Ipinaglapat ko ang magkabilang manggas ng
Kamiseta. Gayundin ang kuwelyo at laylayan.
Ipinagsalikop ang kaliwa at kanang bahagi ng
Pantalon.
Itiniklop ang
Bestida.
Ipinagdikit ang apat na sulok ng
Panyo.
Ibinilot ang magkakapares na
Medyas.
Matapos ang pag-iimis,
Isang salansan ang ilalagak ko sa
Aparador.
Doon, sasamahan ko sila sa kanilang
Pananahimik.
Kamiseta
Pantalon
Bestida
Panyo at
Medyas na samahan sila sa kanilang
Pananahimik.
Hindi sila palaging ganito.
Dumaan sila sa iba't ibang ingay at pagsubok:
Tiniis ng kamiseta ang pambubuyo ng
Alikabok at pawis.
Narinig ng pantalon ang
Tuya ng talsik-putik.
Tinanggap ng bestida ang
Palatak ng tumapon na sarsa.
Sinipsip ng panyo ang
Hinaing ng hatsing.
Nilusong ng medyas ang
Himutok ng tubig-baha.
Matapos ang lahat ng ito,
Tinanggap naman ng
Kamiseta
Pantalon
Bestida
Panyo at
Medyas ang
Pang-uusig ng bula ng sabon,
Talak ng lagaslas ng tubig at
Sumbat ng sikat ng araw.
Nagpasya akong samahan sila sa kanilang
Pananahimik.
Ipinaglapat ko ang magkabilang manggas ng
Kamiseta. Gayundin ang kuwelyo at laylayan.
Ipinagsalikop ang kaliwa at kanang bahagi ng
Pantalon.
Itiniklop ang
Bestida.
Ipinagdikit ang apat na sulok ng
Panyo.
Ibinilot ang magkakapares na
Medyas.
Matapos ang pag-iimis,
Isang salansan ang ilalagak ko sa
Aparador.
Doon, sasamahan ko sila sa kanilang
Pananahimik.
Tuesday, March 8, 2011
Balát
Isinilang tayong ang tanging suot ay ang ating mga balát.
Habang kuyóm ang ilang mabababaw
Malalalabong mga guhit sa ating palad.
Matapos hilamusan ng liwanag at yakapin ng hangin,
Ibinulalas sa uhâ ang mga pangambang masusugatan
Sa daraanang buhay.
Ang paglapat ng talampakan sa lupa ay hudyat.
Ihahakbang ang mabuway pang mga binti
Kaya’t mauunang magagasgas ang mga tuhod.
Susunod na matitinik ang mga paa.
Sapagkat madawag ang tutugpaing daan.
Hindi ligtas ang ating mga siko.
Itutukod sa lupa kapag said na ang pag-asa.
Titining ang mga araw at gabi sa ating kamay
Hindi mababanlawan kahit hugasan nang ilang ulit.
Iuukit ang mga guhit sa ating noo.
Mga agam-agam na naipon ng panahon.
Magkakapilat ang ating mga dibdib.
Mga bakas at lapnos ng tumulong mga luha.
May panahong huhubarin ang balat na
Naghihiwalay sa atin sa sanlibutan.
At ito'y mahuhulog sa ating paanan.
At lilingunin natin ang naiwan
Habang pumapaimbulog patungo sa liwanag,
Ang naiwan,
Isang balumbon ng sugat.
Hilom.
Pilat.
Habang kuyóm ang ilang mabababaw
Malalalabong mga guhit sa ating palad.
Matapos hilamusan ng liwanag at yakapin ng hangin,
Ibinulalas sa uhâ ang mga pangambang masusugatan
Sa daraanang buhay.
Ang paglapat ng talampakan sa lupa ay hudyat.
Ihahakbang ang mabuway pang mga binti
Kaya’t mauunang magagasgas ang mga tuhod.
Susunod na matitinik ang mga paa.
Sapagkat madawag ang tutugpaing daan.
Hindi ligtas ang ating mga siko.
Itutukod sa lupa kapag said na ang pag-asa.
Titining ang mga araw at gabi sa ating kamay
Hindi mababanlawan kahit hugasan nang ilang ulit.
Iuukit ang mga guhit sa ating noo.
Mga agam-agam na naipon ng panahon.
Magkakapilat ang ating mga dibdib.
Mga bakas at lapnos ng tumulong mga luha.
May panahong huhubarin ang balat na
Naghihiwalay sa atin sa sanlibutan.
At ito'y mahuhulog sa ating paanan.
At lilingunin natin ang naiwan
Habang pumapaimbulog patungo sa liwanag,
Ang naiwan,
Isang balumbon ng sugat.
Hilom.
Pilat.
Tuesday, November 16, 2010
Ang Manghuhula
(Isang tulang tuluyan)
Kahanay niya ang iba pang mga manghuhula at mga tinder ng halamang-gamot at pampareglasa tapat ng simbahan. Sa lahat ng naroon, siya lang ang hindi nag-aalok ng hula na parang nagtitinda ng isda, kaya’t sa kanya ako lumapit. Bahagya pa siyang umismid nang maupo ako sa bangkitong nasa harapan ng kanyang mesa. “Magpapahula po.”ang sabi ko. “May iba pa ba akong inaalok?”, singhal niya.
Tikhim lang ang naisagot ko sa masungit na manghuhula. Inutusan niya akong hatiin sa tatlo ang salansan ng lumang baraha matapos balasahin. Padaskol niya akong tinanong kung ano ang gusto kong malaman. Bago ako nakasagot ay ibinida niya kung gaano kagaling ang kanyang baraha. Siya raw ay mamamatay sa panganganak ayon sa baraha, kaya’t nagpasiya siyang tumandang nag-iisa.
Bigla akong tumayo. Iniabot ko sa kanya ang isandaang-piso, dali-daling lumayo at iniwang nakanganga ang gitlang-gitlang manghuhula.
Subscribe to:
Posts (Atom)
