Sunday, June 21, 2009

Cooking Show

Malagong ang ritmong ibinubulong ng kumakalam na tiyan
(Matinis ang sagitsit ng bawang at sibuyas sa mantika)

Malabsa na ang pag-asang pinakukuluan sa isang litrong tubig
(Masuyong kinanaw ng naiinip ng chef ang bahaging pitso at hita)

Butuhan ang mga daliring pumilas sa pakete ng maalat na pampalasa
(Isa- isang inilalahok ang carrots, patatas at gisantes)

At bahagyang mapapaso ang dila sa hatid nitong matabang na init
(Putahe’y ihahain na - halina’t busugin ang ating mga mata)

No comments:

Post a Comment