Monday, June 22, 2009
Hungkag
Gumising ako nitong umaga na hungkag pa rin ang pakiramdam.
Simula pa kagabi.
Sa sinehan, sa huling palabas ng araw.
Ginambala ako ng kakaibang damdamin.
Habang kinukumutan ng espasyo at lamig -
Lamig na sumisigid hanggang puso.
Tila namamawis na baso ng nagyeyelong inumin.
Kailan ba ang huling pagkakataon na may gumagap sa aking palad?
Kailan ba huling humilig ang aking ulo sa kung kaninong balikat?
Kailan ba may huling bumulong sa akin ng pangako’t pagmamahal?
Ginalugad ko ang aking isipan sa mga ganitong pakiramdam.
Ngunit wala akong makapa.
Kailangan ko na lamang sigurong masanay.
Marami pang darating na mga hungkag na umaga.

Sunday, June 21, 2009
Soliloquy ni Eba
Sinlabo ng maunos na gabi ang aking isipan.
Paano’y samut saring isipín ang dito’y nagsasalimbayan.
Anupa’t sa dibdib, humihiyaw ang piping tinig,
Sanlaksang damdamin naman ang sa lalamuna’y nakabikig.
Sa mga balikat na ito, napiling ipapasan,
Ang sákit at sigwang masinsin ang salansan.
Pagal ang gulugod at nakayupyop ang dibdib.
Tigmak ng hapis ang pisngi, ang mata sa luha, ay tigib.
Nagsimula ang lahat sa isang maling pasya.
Na siyang sinamantala upang isilang ang malisya.
Pagbaón ng ngipin sa bungang ipinagbawal
Doon bumungad ang ahas na pakiwal-kiwal.
Pagkakasala’y ibinunton sa gumagapang na tukso
Napaglalangan lamang ‘pagkat ang ahas ay tusô.
Ang katotohanan - ako ay bahagi ng pagkakasala
Pagsisisi ay huli na, at simula na ng pagdurusa
Ω

Sentimyento ng Makata
Malaon ko nang isinantabi ang paghabi ng tula.
Tila isang dalagang naglihi sa ‘di akmang panahon.
Inililihim ang pangangasim habang nasa gunita naman ang manibalang na manggang kasinglutong ng umaga.
Makailang-ulit ko nang tinanggihan ang rahuyo ng mga taludtod.
Tila isang aleng abala sa paghalo at pagsalat ng pitsa
Habang binabaltak ng musmos pang anak ang laylayan ng kanyang saya.
Sapagkat ang panghuhuli ng taludtod ay pag-usal ng dasal - panalanging bumubukal sa kaibuturan ng kaluluwa.
Habang ang iba’y paroo’t parito sa paghabol sa kani-kanilang layunin.
Ang makata ay yuyukod at magbibigay-pugay sa kanyang musa.
Punô ng tula at talinghaga ang buhay.
Masdan mo at may mga taludtod na mababasa sa noo ng ginoong
namamasada ng dyipni at may tulang nalalaglag sa lupa sa tuwing luluha ang kalangitan.
Minsan, sa gitna ng pagtipa sa makina o habang nakatanaw sa bintana ng umuusad na tren,
May isa o dalawang taludtod na magkakahugis sa isipan -
Na mabilis ding maglalaho at matutunaw sa kanipisan ng hangin.
Susubukan ko itong habulin, ngunit madalas na ako’y bigo at ang mga kataga ay nakakaalpas.
Palibhasa ay aagawin ng kalansing at kuliling ang aking pansin.
O tatapikin ng katabi ang aking balikat ‘pagkat narito na ang huling istasyon.
Salamat, may pagkakataong tulad ng ngayon .
Kung kailan ang tula ay aagos na parang tubig.At ang makata, sa utos ng kanyang sining, ay magpapaanod sa daluyong at hihinga ng malalim.

ang paglalaba bilang isang sining
magsisimula ang lahat sa hinagap
ipupukol ang paningin sa panginoorin
at sasalatin ng diwa ang puyo ng hangin.
susubukang damhin ang kung anumang simbuyong
nagtatago sa balumbon ng mga ulap.
bagama’t walang katiyakang walang
masasal na hanging magdadala ng
pugto-pugtong anggí o simbuyong
maghahaplit ng bumubuhos na ulan,
iipunin sa gunita ang mga naglisaw na
kulay sa ropero at ibubukod ang
mapusyaw sa matingkad.
Ikukumpas ng pintor ang kamay at
Ibubudbod ang kulay sa kanbas na bulâ.
pagkadaka’y pipinuhin ang bawat
hilatsa sa batya-batyang tubig.
matapos ang lahat ng ito, ang obra ay
itatampok sa ilalim ng sikat ng araw
upang ipamalas ang tula at sining ng
pagkukusot at pagbabanlaw.

Cooking Show
Malagong ang ritmong ibinubulong ng kumakalam na tiyan
(Matinis ang sagitsit ng bawang at sibuyas sa mantika)
Malabsa na ang pag-asang pinakukuluan sa isang litrong tubig
(Masuyong kinanaw ng naiinip ng chef ang bahaging pitso at hita)
Butuhan ang mga daliring pumilas sa pakete ng maalat na pampalasa
(Isa- isang inilalahok ang carrots, patatas at gisantes)
At bahagyang mapapaso ang dila sa hatid nitong matabang na init
(Putahe’y ihahain na - halina’t busugin ang ating mga mata)

Sunday, March 29, 2009
Dapithapon

Bawat dapithapon ay panahon ng pagtuklas.
Sagradong paghahanap ng iba’t ibang mga sarili
Kasabay ng masining na pagpikit ng mga mata ng
Mabunying araw at marahang paghalik ng ulap sa
Dibdib ng pagal na lupa.

Kinipkip ko sa aking dibdib ang mga aral ng maghapon.
Habang binabagtas ng aking mga paa ang daan pabalik.
Isa-isa kong pinulot ang mga hinubad na bahagi ng sarili.
Mga sariling nauna ng natagpuan noong mga nagdaang dapithapon.
Bawat dapithapon ay isang pagakakataon
Upang hanapan ng tugon ang mga naipong tanong ng araw.
Ang mga bakit, ano ,sino at kailan ay tila mga luha na
Papawiin at tutuyuin ng mabining haplos ng hangin.
Sa huling dapithapon ng ating buhay, ihahanay sa ating harapan ang
Bawat sariling ating natagpuan at matutugunan ang bawat naipong katanungan.
Maya-maya lang magsisimula nang kumindat-kindat ang mga
Bituin sa langit at mababagot na naman ang buwan sa pagbabantay
sa kahabaan ng gabi.
Bukas, panibagong araw, bago ang dapithapon.
Wednesday, March 25, 2009
Pagninilay sa Tabing-dagat
Tila gumugulong na mga alon
Ang balubalumbong ulap sa langit.
Ikinaway pa ng niyog
Ang palapa niya sa hangin.
Sabay sa pagtili ng pipit
Ang sampal ng alon sa pisngi ng baybayin.
Habang patuloy sa pag-inog ang mundo
Heto't bagsak ang balikat ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)